Guild:Pinoy Tayo
From Fallen Sword Wiki
Tinatawag namin ang lahat ng mga Pinoy na sumali na at sama-sama natin ipakita ang tunay na lakas ng Pinoy!
Pinoy Tayo | |
Founded: | 2006 |
Founder(s): | beyonder, Cyclonian, pix200 |
Leader(s): | erwinsky, minero1, casper14, deangnews, Antipatiko, Kinsa101, Lrac14 |
Allies: | Crossed Swords, The Number of the Beasts, The Pugs |
Enemies: | N/A |
Fallensword Page: | Pinoy Tayo |
Recuiting: | Joining Requirements:
Must be Pinoy, Must be mature, At least level 100 (with some exceptions), Fully understand guild rules and regulations, For guild recruitment - contact any guild officer |
This page is a guild page. It is generally considered unethical to edit guild pages unless you are a member of that guild, or have permission from a member/leader of that guild. |
Contents |
About Guild
Pinoy Tayo - guild composed of Filipinos from around the world
Hunting equipment available: Level 50 to 1200+ forged and crafted! (1-hit and 2-hit setups) PvP arena gear also available
Joining Requirements
- Must be Pinoy
- Must be mature
- At least level 100 (with some exceptions)
- Fully understand guild rules and regulations
- For guild recruitment - contact any guild officer
Pilosopiya
Sino Tayo...tayo ay mga pinoy na nag samasama sa isang adhikain ang maging tanyag sa larong ito. Tayo ay iisang banka dito sa ating samahan, kaya dapat natin isipin ang kapakanan ng kada isa sa atin.
Misyon at Adhikain
- Ang hikayatin lahat ng pinoy na manlalaro dito sa fallen sword. kung mahikayat natin lahat ng pinoy na manlalaro dito para sumama sa atin sa pakikibaka at pakikipag tunggali sa mga ibang samahan dito sa Fallensword mas maganda, maipakita natin sa buong Fallensword ang kakayahan ng pinoy.
- Respeto: (may kasabihan tayo na wag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin sayo) laging respetuhin ang kada isa sa kapulungan. lalo na sa mg kasapi sa samahan. Lahat tayo ay may karapatan sa samahang ito kaya dapat tayo ay mag respetuhan at walang lamangan, ayaw ng pamunuan ng puro reklamo laban sa kapwa miembro. Kung maaayos ang alitan sa pag PM muna sa kapwa bago ito ilabas sa chat ay gawin ito. sino man ang lumabag dito ay papatawan ng kaukulang parusa ayun sa mga nadisiyunan ng mga council leaders. Para tayo maging isang matatag na samahan ang respeto ang dapat natin ipairal sa kada isa.
- Paguugali sa Loob ng guild: bawal ang isip bata o masyadong ma-drama. Laging nakinig sa mga payo ng founder at nakakataas ng antas sayo, sila ay may sapat na kalaaman dahil sa tagal ng pag lalaro ng fallen sword.
- Guild Attack Group: kapag mayroon guild attack, laging salihan ito. kaya tayo nasa isang samahan ay para di tayo mag kanya kanya kundi ang magtulungan.
- Recalling Items: kapag kayo ay nag recall ng mga tag items, siguraduhin nyo munang di ginagamit ng kasama natin ang items, kung maaari ay i-pm nyo muna sya kung gagamitin nya pa ba o hindi na ang isang tag item.
- Bilang miembro ng Pinoy Tayo, ikaw ay inaasahan na mag-laro at magbigay ng ginto sa kaban yaman nito para sa pag mintina ng mga stratura ng guild. kapag ang isang miembro ay di nakapag laro sa loob ng isang linggo ng walang dahilan, sila ay maaring tanggalin sa samahan.
- Mga dapat tandaan ng mga miembro:
- bawal ang pasaway, ang magpasaway wala ng dahilan pa, tanggal agad.
- bawal ang manghinggi ng ginto o fsp, maliban kung may dahilan.
- bawal ang magnakaw sa kapwa miyembro ng guild at sa guild store.
Rules and Regulations
Guild Buffs
- Lahat ng player ay dapat gumawa ng buff list sa kanyang bio, ang hindi pagsunod ay hindi bibigyan ng buffs.
- Gamitin ang mga skills na nasa character mo bago manghingi sa iba.
- Kapag humingi ng buff dapat tayo ay maging magalang at maging pasensyoso sa lahat ng oras.
- Humingi lang ng buff na kailangan natin huwag yung gusto natin na hindi pa para sa level natin.
- Kung humingi ng buff dapat ubusin ang stam para hindi sayang ang stam ng nagbuff sayo.
- Kung hihingi ng buff huwag mung gamitin ang “send as mass”, sa Guild Chat at PM mo ang mga online na buffer
Guild Store
- Dapat panatilihing malinis ang guild store sa lahat ng oras.
- Recalling Items
- Lahat ng miyembro ay may karapatang mag recall ng items, seguraduhin lang na ang kukunan ng items ay hindi naka-online. Ang hindi pagsunod ay hahatulan ng sumusunod na parusa,
- Kung sakali naka-online, humingi ng pahintulot para irecall, o kung lumampas ng 20 mins inactive maari na itong -recall.
- Putting Untag Items sa GS
- 24hours na palugit ang ibinibigay sa mga untagged items sa GS, kapag ito ay lumagpas sa nasabing oras, ito ay kukunin at sisirain ng mga GS Admin or mas mataas pa na rangko
- Pagkuha ng Untagged Items sa GS
- Bawal kumuha ng untagged items kung walang permission sa may-ari. Ang maaari lamang kumuha ng untagged items ay ang mga GS Admin at mas mataas pa na rangko.
- Crystalline Items:
- Gumamit ng Potion of Resilience / Unbreakable 200 (Distilled) tuwing maghuhunt gamit nito
- Tangalin o huwag gumamit ng "Cursed Skills"
- Paglabag nito ay may kaukulang parusa at siyang papalit ng nasirang crystalline items
- Epic Items:
- Ito'y pagmamayari nating lahat at hindi ito maaring solohin
- Maaari lng ito gamitin sa paghunt o pandagdag "Full Stamina"
- Magpaalam sa guild chat kung mag-fufull Stamina
Guild Chat
- Bawal maging bastos sa GC.
- Kapag nag message using send as mass seguraduhin lang na ito ay may kabuluhan. Huwag gamitin ang “send as mass” kung nagpapalitan ng mga salita.
- Bawal maglagay ng mga links o mag-Spam sa guild chat.
Guild Attack Group:
- Lahat ng attack group ay dapat salihan kapag ikaw ay online.
Guild Bank
- Lahat tayo ay dapat magdonate sa kaban ng guild para sa ikauunlad ng guild structure natin.
Bakasyon o Leave of Absence:
- Lahat ng mga miyembro na magbabakasyon o panandaliang di maglalaro sa FS ay dapat magpaalam sa ating mga gatekeepers. Ito ay dapat nating gawain upang maiwasan na matanggal ang character ninyo sa ating guild. - Inactivity > 30 days, Guild Experience < 5 million exp
Mercenaries
- Kung sino ang nag hire ng mercenary ay kelangan magbayad ng ginastos sa pag hire nito. Maaaring fsp equivalent or at least 90% ng cost ay maibabalik sa guild.
PVP Arena
- Sa mga manlalaro ng arena ay dapat isauli sa mga pinagkunan ng gamit, dahilan na dito ay limitado lamang ang ating GS.
Guild Conflict
- Guild Officers at selected members lang ang pwede mag initiate ng conflict
- "Own conflict Own RP = Own RP items"
Titan Hunting
- Group Hunting - magtulungan tayo sa pagbuwag para makarami ng kills, pakingan ang leader kung anu ang nabuong plano sa paghihiwalay [Epic Item Reward - Guild]
- Solo Hunting
- TKP points = Epic Item
- Titan Most Kill = Epic Item
Mga dapat tandaan (Reminders)
- Bawal ang pasaway, ang magpapasaway ay tatanggalin agad.
- Bawal humingi ng ginto o FSP, maliban kung may dahilan.
- Bawal ang magnakaw sa kapwa miyembro ng guild at sa guild store.
- Bawal ang mag-mura at ano mang pananalita na makakasakit sa kapwa.
- Ang paglabag at di pagsunod sa mga alituntunin na ito ay maaring matangal sa samahan.
- Makisama tayong lahat sa pamamagitan ng actibong paglalaro ng FS araw-araw, upang lalo nating mapaunlad ang ating guild.
Sistema ng Parusa:
- 1st offense - you will get a warning message from GS administrators
- 2nd offense – you will get a warning message from the Guild Founder
- 3rd offense – rank demotion, probationary rank (restore after 1 week)
- 4th offense - you will be kicked out from the guil